Kakaibang Trip Ni Misis (Enteng Book 2)  Ch. 14

Ikaw na may asawang Lesbian. Masarap ang benefits.

..

Kakaibang Trip Ni Misis (Enteng Book 2) 

Chapter 14 - Data Gathering. 

Enteng's POV

Sumapit na ang gabi nag uwian ba ang mga bisita. Naiwan sa bahay ang mga kasama at nakaka-alam ng plano ko. Ako, si Issa, Annie, Cathy, Eggy, Ellie, Thirdy, Arlette, Estong, Me-anne, Alex at si Yolly ang nanay ni Pol. 

Me-anne: Enteng ito na nakuha ng mga tao namin. 

Eggy: Kumpleto yan. Lahat ng kinasasangkutan nila andyan lahat. Pati mga ebidensya ng Kuya Ricky mo nandyan lahat. 

Ako: Pano ninyo nakuha ito eh binigay ito ni Kuya sa kanila kapalit ang hindi paggalaw sa pamilya ni Kuya. 

Yolly: Enteng please gusto ko basahin. 

Inabot ko kay Yolly ang mga papel. 

Estong: Matalino yung Kuya mo. Segurista. May nakilala kaming retired na pulis. Alam mo ba ang pangalang Hubert Francisco? 

Ako: Kilala ko! Sya yung nasa crime scene. Nung sinabi ko kung sino ang may gawa sinabihan nya akong manahimik at maraming tao si Vice-Mayor sa loob ng pulisya. 

Humikbi si Yolly agad syang niyakap ni Cathy. Biglang humagulgol si Yolly. 

Cathy: Labas muna tayo Ate. 

Yolly: Hindi!!! Gusto ko malaman ang gagawin ninyo. Lahat Enteng! Wala kang itatago sa akin! 

Ako: Teka Me-anne. Mag kaka grupo kayo? Ano kayo Gang? Mafia? Dance Group? 

Eggy: Sabihin mo na lang na parang Mafia ganun. Hehehe. 

Ako: Tapos may codenames teka, ikaw Cleopatra, Tapos Joker, Harley Quinn, Hannya, Ano ka nga Arlette? 

Arlette: Ewan ko dyan. Mojako daw kuya! 

...
REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow